Tuesday, 29 December 2020

Coronavirus disease (COVID-19): Paano alagaan ang isang taong may COVID-19 sa bahay – Payo para sa mga caregiver

Kung nag-aalaga ka ng taong may COVID-19, sundin ang payong ito para protektahan ang iyong sarili at iba pang tao sa bahay, pati na rin ang mga tao sa iyong komunidad.

Limitahan ang paglapit :

Isang malusog na tao lang ang dapat magbigay ng pangangalaga.

  •  Huwag magpahgamit ng mga personal na gamit sa taong may sakit,gaya ng mga sipilyo, tuwalya, kubrekama, kubyertos, o elektronikong device.
  •  Gumamit ng banyo na hindi ginagamit ng taong may sakit, kung posible. o Kung hindi ito posible, dapat ibaba ng taong may sakit ang takip ng kubeta bago mag-flush.
  •  Posibleng maipasa ng ilang tao ang COVID-19 kahit na hindi sila nagpapakita ng anumang sintomas. Makakatulong ang pagsusuot ng mask, kabilang ang hindi non-medical mask o pantakip sa mukha (ibig sabihin, gawa sa hindi bababa sa dalawang layer ng tinahing tela, na
  • idinisenyo para matakpan nang buo ang ilong at bibig, at nakakabit nang mabuti sa ulo sa pamamagitan ng mga tali o ear loop) na protektahan ang ibang tao sa paligid mo.
  • Iwasang lumapit sa mga hayop dahil may ilang ulat nanaipapasa ng mga tao ang COVID-19 sa kanilang mga alagang hayop.

Tuesday, 22 December 2020

Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong Pamilya

 Ang pandemya ng COVID-19 ay nangangailangan na manatiling maingat tayo sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang bawat isa sa atin ay maaring gawin ang ilang simpleng hakbang upang matulungan ang pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at protektahan ang ating sarili, ating pamilya at ating mga komunidad.

Ang mga hakbang ay:

Post by:FDA

  1. Maghugas ng iyong mga kamay nang madalas gamit ang simpleng sabon at tubig.
  2. Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang pangtakip sa mukha na gawa sa tela o non-surgical mask kapag nasa paligid ng iba
  3. Iwasan ang matataong lugar at magsanay ng pagitan mula sa kapwa-tao (manatili ng hindi bababa sa 6 na talampakan na pagitan mula sa iba)

Tuesday, 15 December 2020

Anim na Paraan sa Pangangalaga Para sa Iyong Sarili Kapag Nangangalaga ng Isang Taong may Demensya

 Ang pangagalaga sa isang taong may demensya ay maaaring nakakadaig. Ito ay nasasangkot hindi lamang ang nakakapagod na pisikal ng mga gawain kundi sa pangangasiwa rin ng mga kahalagahang pinansyal, ang pag-aayos ng pangangalaga, at lahat ng ito. Kapag ikaw ay nasa sitwasyong ito, maaari kang makaramdam ng pagkabigo, pagkahiwalay, pagkabalisa, o lahat sa itaas. Ang mga karamdamang ito ay ganap na ganap na normal! Ngunit kapag binabalewala, sila ay maaaring maging mapaminsala sa parehong iyong sarili at ang iba. Ang mga panganib na sanhi sa nangangalaga – tulad ng pagiging napapailalim sa matinding balisa, pagkahiwalay, at kulang sa panlipunang suporta – ay nagdadagdag sa posibilidad na pang-abuso sa mga mas nakakatandang mga tao na may demensya. Lahat tayo ay maging karapat-dapat sa kakayahan upang ganap na lumahok sa pang-araw-araw nating buhay at sa ating lipunan. Narito ang anim na mga paraan upang masiguro ang pareho ng iyong kagalingan:

Monday, 14 December 2020

COVID-19: Mga Tips upang Ligtas na Makapagtipon

 Habang muling nagbubukas ang Lungsod ng New York ayon sa yugto ng panahon, mahalaga na magkaroon ng mga estratehiya upang manatiling ligtas habang ginugugol ang oras sa isa’t isa. Maaari nating gawin ang mga pagbabago sa ating mga pang-araw-araw na buhay upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19.

Tandaan ang apat na pangunahing gagawin na ito upang pigilin ang transmisyon ng COVID19:

 Manatili sa bahay kung may sakit: Manatili sa bahay kung may sakit ka malibang aalis sa mahalagang medikal na pangangalaga (kasama ang pag-test sa COVID-19) o iba pang mahalagang lakad. 

• Pisikal na pagdidistansiya: Manatiling nakalayo ng hindi bababa sa 6 feet sa iba.

Wednesday, 9 December 2020

Protektahan ang Sarili Mo at Ibang Tao Mula sa COVID-19

Alamin ang tungkol sa COVID-19 

Post from Red Cross

Nakakaranas tayo ng pandemiko ng respiratoryong sakit na mabilis na kumakalat mula isang tao papunta sa ibang tao na dulot ng bagong coronavirus. Ang sakit ay tinatawag na coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang sitwasyong ito ay nagbabanta ng seryosong peligro sa pampublikong kalusugan. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring magmula sa banayad (o walang sintomas) hanggang malalang sakit. Ang lahat ay nasa peligrong magkaroon ng COVID-19. Ang mga mas matandang adult at mga taong anuman ang edad na seryosong sumasailalim na medikal na kundisyon ay maaaring nasa mas mataas na peligro ng mas malalang sakit

Alamin kung paano ito kumakalat

Coronavirus disease (COVID-19): Paano alagaan ang isang taong may COVID-19 sa bahay – Payo para sa mga caregiver

Kung nag-aalaga ka ng taong may COVID-19, sundin ang payong ito para protektahan ang iyong sarili at iba pang tao sa bahay, pati na rin ang ...