Kung nag-aalaga ka ng taong may COVID-19, sundin ang payong ito para protektahan ang iyong sarili at iba pang tao sa bahay, pati na rin ang mga tao sa iyong komunidad.
Limitahan ang paglapit :
Isang malusog na tao lang ang dapat magbigay ng pangangalaga.
- Huwag magpahgamit ng mga personal na gamit sa taong may sakit,gaya ng mga sipilyo, tuwalya, kubrekama, kubyertos, o elektronikong device.
- Gumamit ng banyo na hindi ginagamit ng taong may sakit, kung posible. o Kung hindi ito posible, dapat ibaba ng taong may sakit ang takip ng kubeta bago mag-flush.
- Posibleng maipasa ng ilang tao ang COVID-19 kahit na hindi sila nagpapakita ng anumang sintomas. Makakatulong ang pagsusuot ng mask, kabilang ang hindi non-medical mask o pantakip sa mukha (ibig sabihin, gawa sa hindi bababa sa dalawang layer ng tinahing tela, na
- idinisenyo para matakpan nang buo ang ilong at bibig, at nakakabit nang mabuti sa ulo sa pamamagitan ng mga tali o ear loop) na protektahan ang ibang tao sa paligid mo.
- Iwasang lumapit sa mga hayop dahil may ilang ulat nanaipapasa ng mga tao ang COVID-19 sa kanilang mga alagang hayop.